I made this widget at MyFlashFetish.com.

Create your own video slideshow at animoto.com.

October 26, 2009

Maraming kwento ng kabayanihan ang lumitaw sa mga nagdaang araw, sa kasagsagan ng bagyong Ondoy at Pepeng. Nagbigay kalinga at nagbuwis ng kani-kanilang buhay para sa kaligtasan ng iba.
Nagpaabot ng tulong, at sumama sa relief and rescue operations sa ibat-ibang bahagi ng bansa. Marahil ito nga ang tunay na busilak, na nilalaman ng puso ng lahing Filipino – handang tumulong sa kapwa .
isa na namang kwento ng kabayanihan ang ipinamalas ng isa nating kababayan na nagbigay antig sa puso ng kapwa Pilipino at maging sa mundo.

Si Efren Peñaflorida, na walang sawang tumulong at nagbigay ng libreng edukasyon sa mga kababayan nating maralita. Si Efren o mas kilala sa tawag na “kuya F”, ay tubong Cavite, namulat sa kahirapan at minsan di’y naging biktima ng karahasan dulot ng “drug addiction” at “Fraternity rivalry”. Pero imbes na madismaya at matangay ng ganitong kalakaran sa “buhay squater” si kuya F ay nag-isip ng alternatibong paraan para mabawi ang mga kabataang nalugmok sa droga na kadalasa’y instromento rin sa crimen sa siyodad sanhi ng sobrang kahirapan sa buhay. Sa tulong ng kakarampot na kita mula sa pagre-recycle ng basura, si kuya F ay nakagawa ng simpleng “kariton” na nagsilbing instromento para masimulan ang kanyang ginintuang hangarin na makatulong sa mga kawawang kabataan na hindi makapag-aral sanhi ng kahirapan. Ang karitong ito ang nagsilbing lagayan ng ibat-ibang instructional materials para makapagturo sa mga kabataan na kadalasan ay sa seminteryo o malapit sa mga communal dumpsites nakatira. Dito rin isinasaga ni kuya F ang klase kasama ang kanyang mga tinuruang volunteer na kapwa rin niyang biktima na minsay naging alipin din ng kahirapan. Ang kwentong ito ay nagsilbi ring inspirasyon ng mga caviteño na naghakot ng ibat-ibang papuri mula sa local na pahalaan at maging sa national level. Sa pagkakataong ito, ang kwento ni kuya F ay nasama sa top 10 stories ng CNN Hero of the year.

Powered By Blogger

Followers