BASURA
by: Erick
Basura ng karamihan nag kalat kung saan saan
pagmasdan mo ang kapaligiran na animoy masangsang
kalat ng sino man ay nagkalat sa daan, pati sa karagatan
banaag ng sino man ang walang disiplina ng sino man
isang balat ng pinaggamitan tinapon na lang kung saan man
Isang tanaw sa kalangitan ang nagkalat na basura
basurang itinapon sa tingin ng karamihan
hindi kaaya-aya sa sino man
kayat ang kapaligiran ay pagkaingatan
ng sa gayo'y ang paligid ay matiwasay
Halina't atin gampanan ang responsibilidad sa kapaligiran
pagtatanim ng halaman, paglilinis ng karagatan
isang tungkulin hindi hindi mapapantayan
kahit taon man lumipas at mapag iwanan
ang kalinisan ang siyang mag bibigay lakas sa sino man.